^

Bansa

Romualdez pinuri ‘zero-billing’ sa ospital ni Pangulong Marcos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Romualdez pinuri âzero-billingâ sa ospital ni Pangulong Marcos
Speaker Martin Romualdez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang “zero billing” initiative ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pasyente.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang “zero-billing” initiative ay isang makasaysayang healthcare program kung saan magbibigay ng libreng serbisyong medikal ang 22 pampublikong ospital sa bansa.

Kasabay ng ika-67 kaarawan ng Pa­ngulo noong ­Setyembre 13, inilunsad ang inisyatiba na itinuturing na isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino, ayon sa pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“The zero-billing program is a clear demonstration of the President’s unwavering commitment to the Filipino people, ensuring that no one is left behind in receiving the medical care they need,” ayon kay Romualdez.

“By covering all inpatient, outpatient, and emergency services in 22 public hospitals across the country, the President is turning his vision of universal healthcare into reality,” dagdag pa niya.

Sa direktiba ng Pangulo, naglaan ang Department of Health (DOH) ng P328 milyon para pondohan ang zero-billing initiative, na sumasaklaw hindi lamang sa mga bayarin sa ospital kundi maging sa mga gamot at iba pang mahahalagang serbisyong medikal tulad ng chemotherapy, dialysis, dental na serbisyo, at mga laboratory procedure.

Ang programang ito ay una na ring naipatupad sa mga malalaking hospital, kabilang na sa National Capital Region, (NCR), Luzon, Visayas, at Mindanao.

Binigyan diin ni Speaker Romualdez ang napakalaking epekto ng inisyatibang ito sa buhay ng mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap o bulnerableng komunidad, dahil binabawasan nito ang malaking gastusin sa serbisyong medikal.

Kasama sa zero-billing program ang walong pangunahing ospital sa NCR, tulad ng National Kidney and Transplant Institute at Philippine General Hospital, pati na rin ang 14 iba pang ospital sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

MARTIN G. ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with