‘Burial site’ sa POGO hub sa Pampanga, huhukayin

MANILA, Philippines — Nag-aplay na ang Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) ng panibagong search warrant sa compound ng na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga para maimbestigahan ang sinasabing burial site ng mga dayuhan doon.

Sinabi ni PAOCC ­Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz na may mga lumapit sa kanila na witness na nagsasabing may mga binaong foreign nationals na pinatay sa POGO hub sa Porac.

Para kay Cruz, malakas ang dahilan para imbestigahan ang claim na ito dahil magkaibang mga testigo na hindi magkakakilala ang may parehong sumbong.

Sinabi ni Cruz na nakipag-ugnayan na sila sa mga iba’t ibang mga embahada at nakakuha na sila ng listahan ng mga missing persons.

Dito aniya nila ikukumpara ang impor­masyon sakaling may mahuhukay silang mga bangkay sa ­itinuturong burial site.

Show comments