2 bagyo nagbabantang pumasok sa bansa

MANILA, Philippines — Dalawang bagyo ang nagbabantang pumasok sa bansa sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Benison Estareja ng PAGASA, namamataan ang unang namumuong bagyo sa Northern Section ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at ang ikalawang namumuong bagyo ay nasa hilagang silangan ng bansa.

Ang unang nagbabantang bagyo oras na pumasok sa bansa ay tatawaging Ferdie at ang ikalawang ay Gener.

Kahapon, patuloy na maulan sa Ilocos Norte at Ilocos Sur gayundin sa Cordillera Administrative Region (CAR). Maulan din sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro dulot ng habagat na pinalakas ni Enteng.

Una nang inanunsyo ng PAGASA na may 14 pang bagyo ang papasok mula Setyembre hanggang ­Disyembre ngayong taon.

Show comments