^

Bansa

Pangulong Marcos: Suspension ng trabaho, klase ‘pag may bagyo, agahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Suspension ng trabaho, klase �pag may bagyo, agahan
Commuters endure strong winds brought by #EntengPH while walking along E. Rodriguez in Quezon City on September 2, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at pamunuan ng mga paaralan na agahan ang pagdedeklara ng suspensyon sa mga trabaho at klase sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng.

Sinabi ng Pangulo, na dapat sa gabi pa lamang bago matulog ay mailabas na ang bulletin.

Habang nasa local government units (LGUs) ang pagpapasya kung suspendihin ang trabaho at pasok sa eskwela sa kani-kanilang lugar.

Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na mas makabubuting huwag na munang magpatawag nang pagpupulong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) command center sa Quezon City at hayaan na muna silang magtrabaho.

“No they’re working, alam mo that’s always my policy, hindi ko, pagka nasa gitna ng krisis hindi ko sila tinatawag dahil nagtatrabaho sila, besides wala namang, they keep reporting naman to me at very, ‘yung sa specific areas doon lang naman nagbabago,” sagot ng Pangulo kung pupulungin nito ang NDRRMC.

Tuloy naman aniya ang standard operating procedures at pagmonitor ng pamahalaan sa lagay ng bagyo. Mahalaga rin aniya na suriin ang lagay ng mga nagtatrabaho kung makapupunta sa kanilang mga tanggapan at kung ligtas na makauuwi sa kani-kanilang tahanan.

Tiniyak naman ng Pangulo na handa ang gobyerno sa anumang magiging resulta ng pananalasa ng bagyo at tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente.

Dahil sa bagyong Enteng, sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa trabaho at klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa National Capital Region (NCR) at Region 4-A kahapon at ngayon.

Ipinapaubaya naman sa mga pinuno ng mga pribadong mga tanggapan ang pagsususpinde ng pasok.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with