^

Bansa

Sen. Go: SHCs krusyal sa accessible healthcare sa lahat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang groundbreaking ng Super Health Center sa Barangay Torralba, Banga, Aklan.

Sinabi ni Go na ito ay napakahalaga para sa pagbibigay ng healthcare service sa mga Pilipino, lalo sa mga liblib na lugar.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng Super Health Centers sa mga komunidad para mabigyang pokus ang pangunahing pangangalaga sa kalusugan, gaya ng medical consultations at early ­disease detection nang sa gayo’y maiwasan ang mga komplikasyon sa sakit.

Binanggit niya na ang gobyerno ay naglaan ng kaukulang pondo para makapagtayo ng mahigit 700 Super Health Center sa buong bansa, kabilang ang 10 sa lalawigan ng Aklan.

Ang Super Health Center ay “medium version” ng isang polyclinic, pero gumagana bilang isang mas pinahusay na rural health unit.

“Kailangan nating mas paramihin pa ang Super Health Centers sa bansa para masiguradong mailalapit pa natin ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap,” ayon kay Go.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with