Pamilya Tulfo nagpasalamat sa lahat ng nakiramay

MANILA, Philippines — Taos pusong nagpapasalamat ang mga anak  ni Ginang Caridad Teshiba Tulfo sa lahat ng nakiramay, nagpadala ng bulaklak, nagbigay ng abuloy, donasyon sa foundation  at mga tumulong para sa maayos na limang araw na  lamay hanggang sa maihatid ang labi ng kanilang ina sa huling hantungan sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Ayon kay Cong. Erwin Tulfo, “we would like to thank everyone who joined us in our moments of sorrow”.

“Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat na nakidalamhati sa amin na kahit papano ay pinawi ninyo ang lungkot na naramdaman ng aming pamilya dahil sa pagpanaw ng aming ina”, ayon kay Cong. Tulfo.

Humingi rin ng pang-unawa ang pamilya sa mga motorista na maaring naabala dahil sa funeral procession ng labi ng kanilang ina mula Quezon City hanggang Taguig noong Linggo ng umaga.

Si Mommy Caridad ay pumanaw noong Martes, August 27, sa edad na 97.

Naiwan ni Nanay Caring ang kanyang mga anak na sina Ramon Junior, Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin, at Edelle.

Show comments