^

Bansa

Non-math teachers nahawak ng math subjects, ikinabahala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinabahala ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang “teachers mismatch” kung saan pinagtuturo ang mga guro ng subjects na hindi sila bihasa.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni ACT Chairman Vladimer Quetua, ang teachers mismatch ay bunsod ng ilang isyu kabilang ang budget at plantilla position sa mga public schools.

Mahirap at masakit aniya sa bawat guro na magturo ng hindi niya gamay o expertise.

Isa aniya sa mga nakakabahala ay pagtuturo ng Math subject ng non-Math teachers. Ang Ma­thematics ay isa sa mga pangunahing asignatura na dapat na tutukan.

“Iyong isa naming Araling Panlipunan e nagtuturo ng TVL (Technical-Vocational-Livelihood). Iyong isa naming teacher e nagtuturo ng HE (Home Economics), nagtuturo ng mga hindi niya major,” ani Quetua.

Sa asignatura ng English, alam ng Schools Division Offices na marami ang pangangailangan subalit konti lamang ang kinukuha.

Dahil dito, nais nilang makipagpulong sa DepEd upang masolusyunan ang isyu hinggil sa ilang oras na pagtuturo.

Naniniwala rin si ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, na dapat bigyang prayoridad ang pangangailangan ng curriculum.

“Halimbawa sa high school, siyempre may mga subject area iyan of specialization... Ang nangyayari kasi ngayon, kahit na hindi ka mathematics ay ina-assign din minsan. So nagkakaroon tayo ng problema,” ani Castro.

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with