^

Bansa

Delay sa government health facility projects, pinuna ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa isang pampublikong pagdinig ng Senate committee on health, pinuna ni Senator Christopher “Bong” Go ang hindi pa natatapos o pagkaantala at pagtaas ng mga gastos sa iba’t ibang proyektong health infrastructure projects sa buong bansa.

Kinalampag ni Go ang Department of Health (DOH) tungkol sa patuloy na mga proyekto sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ngunit naaantala at lumaki pa ang mga gastos.

Partikular na tinukoy ni Go ang proyekto, tulad ng Super Health Center sa Candijay, Bohol, na sa kabila ng isang malaking pamumuhunan ay nananatiling hindi kumpleto.

“’Yung sa Candijay po, sa Bohol, funded po ito ng P56 million in 2023 pero hindi pa po natatapos. Though ‘yung inyong standard Super Health Center is around P11.5 million, ito P56 million, hindi pa rin po natatapos. Ano  ba’ng nagiging problema po sa inyong implementasyon ng inyong HFEP projects?” tanong ni Go.

Habang pinupuna ang matamlay na pag-usad ng ilang  proyekto, kinilala naman ni Go ang matagumpay na implementasyon, gaya ng Super Health Center sa Tingloy, Batangas. Isa ito aniyang modelo kung ano ang maaaring makamit as epektibong interbensyon ng gobyerno.

Bilang tugon, sinabi ni DOH Undersecretary Emmie Chiong na may dati nang isyu sa proyekto at idine­talye ang mga hakbang na ginagawa upang matugunan ang mga ito.  Binigyang-diin ni Chiong na ang mga ito ay patuloy at naghihintay siya ng updates o development.

Binigyang-diin ni Go ang kritikal na pangangailangan para sa mga pasilidad pangkalusugan na makumpleto, hindi lamang sa paggasta kundi para sa tangible na health benefits na ibibigay nito sa mamamayang Pilipino.

DOH

HFEP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with