PCG: China, nagdeploy ng hospital ship sa West Philippine Sea

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ang China ay nagde-deploy ng iba’t ibang uri ng barko sa maraming maritime features.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na nag-deploy na rin ang China ng hospital ship malapit sa Escoda Shoal na nasa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ang China ay nagde-deploy ng iba’t ibang uri ng barko sa maraming maritime features.

Sa ngayon ay mayroon nang isang barko ng China Coast Guard (CCG), 24 Chinese maritime militia vessels, isang Chinese rescue vessel, at apat na Vietna­mese fishing vessels sa paligid ng Escoda Shoal.

Sinabi ni Tarriela na ginagawa ito ng China dahil  sa paniwalang ang BRP Teresa Magbanua, na nasa Escoda Shoal, ay mananatili na doon.

Paglilinaw naman niya, idineploy ng Pilipinas ang BRP Teresa Magbanua sa shoal dahil sa presensiya ng mga crushed corals at umano’y small-scale reclamation sa lugar.

Show comments