^

Bansa

Bagong Pilipinas Bill ilalarga sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilalarga sa Kamara ang Bagong Pilipinas Bill na layong mapalawak ang pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatayo sa bawat lalawigan at siyudad sa bansa ng Serbisyo at Tulong Center sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layon ng panukala na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao at maitayo ang Bagong Pilipinas Tulong Centers.

“We are proposing to the Speaker (Romualdez) ngayong umagang ito na ibalangkas ang batas na ‘Bagong Pilipinas Bill.’ Nandun ang pagpuput-up ng Bagong Pilipinas Serbisyo Centers, Bagong Pilipinas Tulong Centers,” pahayag ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada Jr. sa pagbubukas ng BPSF Agency Summit sa PICC Forum Hall, Pasay City.

“Kasama dito ang paggawa ng mekanismo kung saan nag-uusap-usap itong mga ahensya dun sa convergence ng programa kasi may mga programa talaga na nangangailangan ng ibang ahensya to make it maximized, para ma-fully utilized yung resources ng gobyerno,” giit nito.

“With that bill, masisiguro natin na magkakaroon ng tamang pondo, magkakaroon ng tamang sistema at magkakaroon ng tamang implementasyon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair,” ayon pa kay Gabonada.

vuukle comment

BAGONG PILIPINAS BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with