^

Bansa

Sekyu gagamiting intel ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sekyu gagamiting intel ng PNP
Ayon kay PNP Civil Security Group (CSG) Director Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, malaking tulong ang maging katuwang ng PNP ang security guard sa intelligence gathe­ring at magsilbi rin bilang mga force multipl
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Plano ng Philippine National Police (PNP) na gamitin na ring intelligence operatives ang mga security guard upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ayon kay PNP Civil Security Group (CSG) Director Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, malaking  tulong ang maging katuwang ng PNP ang security guard sa intelligence gathe­ring at magsilbi rin bilang mga force multipliers.

Iginiit ng heneral na ginagampanan ng mga ito ang mahalagang papel na pagsiguro sa kaligtasan

at seguridad ng mga pali­paran, commercial establishment, at iba pang pa­ngunahing mga pasilidad.

Sakaling maaprubahan, hindi na lamang magiging limitado ang pagbabantay ng mga guwardiya sa establisimyento kundi

maging sa mga nakikita nilang sitwasyon.

Bahagi aniya ang mga ito ng komprehensibong security framework ng pamahalaan, kasabay ng kanilang pagtiyak sa seguridad ng mga binabantayang pasilidad.

Kasabay nito ay plano ng PNP na magsagawa ng Basic Information Collection and Analysis Seminar (BICAS) para sa mga pribadong security agencies kung saan nakatakdang dumalo rito ang 575,000 security guard sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with