PCG: Escoda Shoal, sakop ng EEZ ng Pinas

Ang pahayag ay ginawa ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela matapos na maghain ang Chinese Foreign Ministry ng pormal na protesta hinggil sa presensiya ng barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.
AFP / Ted Aljibe

Sagot sa diplomatic protest ng China

MANILA, Philippines — Nanindigan kahapon ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang Escoda Shoal ay matatagpuan sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang pahayag ay ginawa ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela matapos na maghain ang Chinese Foreign Ministry ng pormal na protesta hinggil sa presensiya ng barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Ayon kay Tarriela, ang Escoda Shoal ay sakop ng EEZ ng Pilipinas, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 arbitral award.

Dahil dito, may karapatan aniya ang PCG na mag-operate sa loob ng lagoon ng Escoda Shoal nang hindi na nangangailangan ng pahintulot mula sa alinmang bansa.

Ang Escoda Shoal ay tinatawag na Xianbin Jiao ng China at inaangkin bahagi ng kanilang Nansha Islands.

Show comments