^

Bansa

Labanan pang-aabuso sa mga kababaihan, kabataan - Miss Universe 2020

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni dating Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo ang ilang guro, magulang, at grupo ng kababaihan na wag basta manahimik kung sila ay may nalalaman o sila mismo ang biktima ng pang-aabuso laban sa mga kababaihan o kabataan.

“Labanan po natin ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan at ireklamo ito sa mga kinauukulan”, ani Miss Mateo, sa isang interview matapos ang event sa Cembo Elementary School sa Taguig noong Sabado.

Ayon sa dating beauty queen, kailangang tuldukan ang mga ganitong pang-abuso sa ating mga kababaihan at mga kabataan.

Ani Mateo, na talent ng GMA network, maraming uri daw ng pang-aabuso tulad ng physical abuse, emotional, at sexual abuse, at abandonment.

“May karapatan din po kayo mga misis na tumang­gi makipag-sex kay mister kung pagod kayo o ayaw lang ninyo,” paalala ni Miss Mateo.

Base sa estatistika, laganap pa rin ang spousal at child abuse sa bansa dahil karamihan sa mga biktima ay hindi nagrereklamo.

“Panahon na po na we stand up and speak against abuses versus women and our children,” dagdag pa ni Mateo.

Hinikayat din niya ang Kongreso na bilisan ang pagpasa ng batas laban sa pag-abandona ng mga bastardong ama sa kanilang mga anak.

RABIYA MATEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with