Mga Pinoy sa Lebanon pinalilikas na!

“The Philippine Embassy in Lebanon strongly urges all Filipino citizens to leave Lebanon imme­diately while the airport remains operational,” saad ng embahada sa evacuation notice nito.

Dahil sa tumitinding­tensyon at kaguluhan

MANILA, Philippines — Inabisuhan na ng ­Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pinoy doon na lisanin na agad ang nasabing bansa habang bukas pa ang ­paliparan sa gitna ng tumitinding tensyon doon.

“The Philippine Embassy in Lebanon strongly urges all Filipino citizens to leave Lebanon imme­diately while the airport remains operational,” saad ng embahada sa evacuation notice nito.

Habang ang mga hindi naman makaalis ng nasabing bansa ay hinihikayat na lumikas sa pinakaligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon at Bekaa Valley.

Maari rin kontakin ng mga Filipino ang mga sumusunod na numero para sa kailangang tulong; para sa lahat ng OFWs na documented o undocumented: +961 79110729; para sa overseas Filipinos (Dependents with Permanent Resident Status, i.e., wife iqama): +961 70858086.

“The safety and security of every Filipino citizen is our top priority. We urge you to act swiftly and follow the above instructions to ensure your safety,” saad pa ng embahada.

Nabatid na mahigit 17,500 ang Overseas Filipinos at OFWs sa Lebanon.

Ang tensyon sa pagitan ng Lebanon-based ­Hezbollah at Israel ay nagsimula nitong nakaraang linggo makaraang mag­lunsad ang Iranian-backed Hezbollah group ng drone attack sa Golan Heights na okupado ng Israel.

Tumama ito sa football ground sa Golan Heights na ikinasawi ng 12 katao kabilang na ang mga kabataan.

“Hezbollah senior military commander Fuad Shukr was then killed/after an Israeli air strike hit a suburb of Beirut,” ayon sa Reuters.

Isang Israeli air strike naman sa Tehran ang nagresulta ng pagpaslang kay Hamas political leader Ismail Haniyeh.

Show comments