MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Michelle Mae Gonzales bilang bagong commissioner-at-large ng National Youth Commission (NYC).
Papalitan ni Gonzales si NYC commissioner-at-large Laurence Anthony Diestro.
Nanumpa na sa tungkulin si Gonzales kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malakanyang.
Nilagdaan ang approintment paper ni Gonzales noong Agosto 12.
Tatlong taon ang termino ni Gonzales.
Ang NYC ay policy-making body sa lahat ng youth-related institutions, programs, projects at aktibidad ng gobyerno.