Pangulong Marcos nilipat Ninoy Day sa August 23

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on August 6, 2024.
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Para mapahaba pa ang bakasyon, inilipat ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa Ninoy Aquino Day na Agosto 21 ay ginawang Agosto 23.

Sa Proclamation No. 665 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, layunin na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makapamasyal at mapalakas ang turismo sa panahon ng long weekend.

Samantala, wala ring pasok sa susunod na Lunes, Agosto 26, dahil sa paggunita ng National Heroe’s Day.

Tiniyak naman ng Palasyo na mananatili ang halaga ng kasaysayan ng Ninoy Aquino Day, kung saan ginugunita ang kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino.

Show comments