^

Bansa

P64 budget sa pagkain kada araw, kulang – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na kulang ang halagang P63.87 budget sa pagkain ng isang tao sa kada araw.

Ito ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa ang dahilan kung bakit bubusisiin nilang mabuti ang methodo­logy para sa pagkalkula sa poverty at food thresholds sa susunod na taon.

Sa tala ng PSA, ang food threshold ng isang pamilya na may lima katao ay tumaas na sa 14.7 percent o nasa P9,581 kada buwan noong nagdaang taon o halos P64 kada isang tao sa isang araw na pagkain pero mas mataas naman ito sa P8,353 kada buwan noong 2021.

Gayunman, sinabi ni Mapa na ang isang tao ay hindi maikokonsiderang kulang sa pagkain o food poor kung ito ay may budget na higit P63.87 kada araw o P21.30 kada meal.

Sa national level, ito ay nangangahulugan umano na ang almusal ay isang scrambled egg, kape at kanin habang sa tangha­lian ay isang mangkok ng munggo na may dahon ng malunggay, pritong dilis, isang saging at kanin at sa hapunan ay pritong isda o nilagang baboy na may kanin at sa meryenda ay pandesal.

vuukle comment

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with