^

Bansa

DTI Task Force Kalasag pinalakas para sa proteksyon ng mga consumer

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pinalakas pa ang Task Force Kalasag, na enforcement unit ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakatuon sa pagkumpiska ng mga hindi ligtas na produkto at pagtiyak ng pagsunod sa bagong ipinatupad na Vape Law.

Sa ulat ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), walang tigil ang Task Force Kalasag sa pagsisikap nito na makumpiska ang mahigit P122 milyong halaga ng hindi sertipikado, mapanganib, at mga substandard na produkto mula sa iba’t ibang establisimyento sa buong bansa.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Agaton Uvero, kabilang sa mga nasamsam na item ay mga electrical products, construction materials, at household appliances na hindi sumunod sa mga teknikal na regulasyon para sa mga pamantayan ng produkto at iba pang mga batas sa patas na kalakalan.

Pinalawak din ng DTI ang aktibidad nito sa mga digital marketplace, na kinikilala ang mga hamon dulot ng paglago ng e-commerce.

Ang FTEB’s Online Monitoring Unit (OMU) ay pinangasiwaan ang pagsunod sa mga online na ­negosyo, pagmonitor sa mahigit 11,000 kumpanya sa unang kalahati ng taon lamang.

“As online shopping becomes more prevalent, it’s crucial that consumers are protected from substandard products. Our OMU has been key in identifying and taking action against non-compliant businesses in the digital space,” ani FTEB Director Fhillip Sawali.

Sa buong unang kalahati ng 2024, nagsagawa ang task force ng maraming operasyon upang tiyakin na sumusunod ang mga negosyo sa mga bagong regulasyong ito at nakumpiska ng mahigit P29 milyon halaga ng mga lumalabag na produkto ng vape.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with