^

Bansa

Ex-PNP chief Verzosa absuwelto sa chopper deal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si dating PNP Chief Jesus Verzosa at 10 iba pa kaugnay ng kasong graft sa pagbili ng 2 second hand choppers noong 2009.

Bukod kay Verzosa, inabsuwelto rin sina dating P/Deputy Director Gen. Jefferson Soriano, P/Supt. Ermilando Villafuerte, P/SSupt. Luis Saligumba, P/SSupt. Job Nolan Antonio, P/SSupt. Edgar B. Paatan, P/CInsp. Maria Josefina Recometa, P/Supt. Claudio De Gaspar, Jr., SPO3 Ma. Linda Padojinog, PO3 Avensuel Go Dy at Ruben Sarabillo Gongona.

Sa 346 pahinang desisyon na iniakda ni Chairperson Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta na kinatigan nina Associate Justices Zaldy Trespeses at Georgina Hidalgo, ipinag-utos na ring tanggalin ang hold departure na inisyu laban sa mga ito.

Gayunman sina datingP/Dir. Luizo Cristobal Ticman, P/Dir. Ronald Roderos, P/Dir. Romeo Hilomen, P/Dir. Leocadio Salva Cruz Santiago, Jr., at private individual na si Hilario Bautista de Vera ay sinentensiyahan ng 6-8 taong pagkakabilanggo at diniskuwalipika rin sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno. Pinagbabayad din ang mga ito ng P11,377,153.23-M kada unit para sa dalawang Robinson R44 Raven I helicopters.

Samantala, si Roderos ay guilty sa kasong pa­memeke ng mga dokumento at pinatawan ng maximum na hanggang 8 taon at isang araw na prison mayor. Pinagbabayad din ito ng multang P5,000.

Magugunita na noong 2009, si Verzosa at mga kasamahang opisyal ay bumili ng tatlong segunda manong helicopters mula sa Manila Aerospace Products Trading Corp. na kinabibilangan ng dalawang Robinson R44 Raven I light police helicopters na nagkakaha­laga ng P62,672,086.90 at isang Robinson R44 Raven II LPOH na nagkakahalaga ng P42,312,913.10.

Bagaman pinahintulutan ng National Police Commission ang PNP na bumili ng bagong helicopters, ayon sa mga prosecutors ang dalawang R44 Raven I ay dating pag-aari at ginamit na ni dating First Gentleman Mike Arroyo kung saan lumilitaw na overprice o sobra ng P34 milyon ang naibayad sa nasabing mga eroplano.

vuukle comment

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with