^

Bansa

Doctor’s fee ng pasyente sa ospital sasagutin na ng PCSO

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Doctor�s fee ng pasyente sa ospital sasagutin na ng PCSO
Ito’y matapos ang pakikipagpulong nitong Miyerkules ni Speaker Ferdinand Romualdez kina PCSO General Ma­nager Melquiades Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr.
AFP / File

MANILA, Philippines — Sasagutin na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang doctors fee ng mga pasyenteng naka-confine sa mga ospital.

Ito’y matapos ang pakikipagpulong nitong Miyerkules ni Speaker Ferdinand Romualdez kina PCSO General Ma­nager Melquiades Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr.

“Nagpapasalamat tayo dito sa ating GM ng PCSO at sinagot niya po ang hinaing ng ating health care professionals lalo na dito sa isyu ng professional fees,” pahayag ni Romualdez.

Sinabi naman ni Robles kay Romualdez na simula sa katapusan ng Oktubre ng taong ito, masasaklaw na ang co­verage sa professional fees para maibsan ang pasanin ng mga maysakit na naka-confine sa mga ospital.

“All medical practitioners will (then) be covered by the government under the auspices of the charity agency under the auspices of the PCSO so that health care will be totally free,” anang Speaker.

Dahil dito, sinabi ni Romualdez na malapit ng maging reyalidad ang hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaloob ng libreng pagpapaospital para sa lahat ng mga Pilipino.

“Libre ang health care para sa lahat ng Pilipino, ‘yun po ang ating nais, at ‘yun po ang sinabi ng ­ating Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr.,” sabi pa ni Romualdez.

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad