NBI muling nagsilbi ng warrant of arrest vs Quiboloy
MANILA, Philippines — Muling nagsilbi ang National Bureau of Investigation (NBI) ng bagong warrant of arrest laban sa televangelist na si Apollo Quiboloy at iba pang kapwa akusado kaugnay ng kasong Human Trafficking.
Muling isinilbi ng NBI region 11 ang warrant of arrest sa Kingdom of Jesus Christ na itinatag ni Quiboloy sa Davao City.
Ayon kay NBI-Regional 11 director Archie Albao, mapayapang naisilbi ang warrant of arrest sa loob ng isang oras.
Sinasabing sinilip ng mga awtoridad ang underground na bahagi nang ginagawa pang KOJC pero hindi nakita doon si Quiboloy o sinuman sa iba pang akusado sa naturang kaso.
Kaugnay nito, hiniling ni Israel Torreon, abogado ni Quiboloy at ng KOJC, na huwag nang magdala ng armas o mga tauhan sa pagsisilbi ng warrants tulad ng ginawa ng NBI.
Anya, papayagan naman nila ang mga awtoridad na makapasok sa simbahan kung may wastong koordinasyon ito sa kanila.
- Latest