^

Bansa

2 tauhan ng dialysis center, binitbit ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang empleyado ng isang dialysis center matapos maaktuhan na gumagamit at nagbebenta ng mga kemikal na hindi inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Lumilitaw na nakatanggap ang NBI ng impormasyon na ginagamit ng dialysis center ang kemikal at ibinebenta sa iba pang dialysis centers.

Agad na nagpatupad ng search warrant ang NBI-NCR at ikinasa ang operasyon kung saan nadiskubre nila ang 50 kahon ng Diacid, isang hindi naaprubahang gamot na ginagamit para sa dialysis ng mga pasyenteng may mga isyu sa bato.

Sinabi ni NBI-NCR Regional Director Rommel Vallejo na maaaring magdulot ng mas malalang sakit sa pasyente kung ang gamot ay hindi rehistrado at walang matibay na pruweba para sa paggagamot.

Kinumpiska rin ng NBI sa pagsalakay ang mga dokumento na nagsasaad ng ibang centers na bumibili at gumagamit ng nasabing kemikal. Natuklasan din ang isang kuwarto na puno ng basyong gallon ng diacid na hinihinalang nagamit na sa kanilang dialysis patients.

vuukle comment

FDA

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with