^

Bansa

Pangulong Marcos sa Department of Agriculture: Magsasaka, mangingisdang apektado ni ‘Carina’, habagat ayudahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na agad tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Carina at Habagat sa Central Luzon.

Ayon sa Pangulo, kinakailangang tulungan ang mga magsasaka sa lalawigan upang makabawi para sa kasalukuyang panahon ng pagtatanim.

“So ang instruction ko sa DA ay subukan na… para habulin ‘yung season, planting season dahil para hindi naman mawalan ng hanapbuhay ‘yung ating mga farmer,” ayon pa sa Pangulo matapos ipinatawag ang mga lokal na lider ng mga lalawigan ng Bulacan, Bataan, at Pampanga para sa isang situation briefing sa Malolos City nitong Sabado.

Dagdag pa ni Marcos, mula sa rescue operation ay magkakaroon na ng relief operation bago magkaroon ng rehabilitasyon, kaya mahalaga rin na masuri ang mga imprastraktura.

Nilinaw pa niya na ang sektor ng livestock sa rehiyon ay maaaring makabawi at ang kailangan lang ay tukuyin ng DA ang mga prayoridad na lugar at matapos ang pagsusuri, maaaring bigyan ng DA ang mga magsasaka, mangingisda, at mga nag-aalaga ng hayop ng mga binhi, fingerlings, at brood sow para sa kanilang pagbangon.

Sinabi naman ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na ang pinsala, partikular sa agrikultura at pangingisda, ay umabot sa halagang P103.7 milyon kung saan kabilang sa naapektuhan ang palay, gulay, mais, mga pananim, aquaculture, capture fisheries, at livestock at poultry.

Nasa 17 LGUs sa Bulacan ang lubos na naapektuhan. Dalawang lungsod - Meycauayan at Malolos - at walong munisipyo — Marilao, Calumpit, Santa Maria, Obando, Hagonoy, Guiguinto, at Balagtas — ang nakaranas ng matinding pagbaha.

Habang 13,021 pamilya, o 48,000 indibidwal ang inilikas sa 318 evacuation centers noong Biyernes ng hapon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with