LPA malapit sa Mindanao, habagat magpapaulan

MANILA, Philippines — Magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang namataang Low Pressure Area (LPA) malapit sa Mindanao at ang southwest monsoon o habagat.

Sa 3 am bulletin ng PAGASA nitong Sabado, ang LPA ay namataan sa layong 1,035 km sa katimugang silangan ng Mindanao.

Dahil dito, ayon sa state weather bureau ay magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstors sa Davao Oriental, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, Leyte, Southern Leyte at Eastern Samar.

Samantala ang southwest monsoon ay magpapaulan naman sa Ilocos, Cordillera Regions, Batanes, Babuyan Islands, Zambales at Bataan.

Ibinababala ng PAGASA ang flashfloods at landslides sa nasabing mga lugar.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Visayas gayundin sa kabuuan ng Luzon ay manaka-nakang pag-ulan at thunderstoms dulot naman ng habagat.

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng mga flashfloods o landslides sa nasabing mga lugar kapag matindi ang thunderstorms.

Show comments