^

Bansa

‘Carina’ nakalabas na ng Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Carina� nakalabas na ng Pinas
Base sa 5am bulletin ng PAGASA, nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes  kung saan ang nasa 39 hanggang 61 kilometer per hour ng hangin ay maari pa ring makapinsala ng mga bahay na gawa sa mahinang uri ng materyales.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si supertyphoon Carina nitong Huwebes ng umaga pero patuloy pa ring nagbabanta ang mga pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon hanggang weekend.

“Carina is now less likely to directly bring heavy rainfall over any portion of the country. However, the southwest monsoon enhanced by CARINA will bring mo­derate to intense rainfall over various localities in the western portion of Luzon today through Saturday,” ayon kay PAGASA weather specialist Veronica Torres

Base sa 5am bulletin ng PAGASA, nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes  kung saan ang nasa 39 hanggang 61 kilometer per hour ng hangin ay maari pa ring makapinsala ng mga bahay na gawa sa mahinang uri ng materyales.

Sa Metro Manila, mararanasan pa rin ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat.

Si Carina ay tumawid sa Taiwan Strait at ang pinal na landfall nito ay sa katimugang silangan ng China sa Huwebes ng hapon hanggang gabi, ayon pa sa PAGASA.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with