MANILA, Philippines — Ipinapaubaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Local Government Units (LGUs) ang pagdedeklara ng State of Calamity, Sinabi ng Pangulo na hindi siya magdedeklara ng state of calamity dahil baka magkasabay-sabay ng deklarasyon ang bawat siyudad o bayan.
Subalit sa sandaling maging tatlong rehiyon na aniya ang involved ay saka lamang papasok ang national government at magiging national calamity na ito.
Sa ngayon ay nasa mga lokal na pamahalaan ang pagpapasya dahil sila ang higit na nakakaalam sa kanilang mga nasasakupan at kung ano ang mas mabuting gawing hakbang.
“No, no, no. We don’t... Actually ang usually ang State of Calamity is the LGU executive. Pag regional, it’s because nagka-sabay-sabay. Magiging calamity sa ano pagka three regions ang involved, then already the national has to come in. That’s a national calamity already. Wala na kaming choice doon. Pasok na ang national,” ayon pa kay Marcos.