Klase, pasok sa gobyerno sinuspinde ng Malacañang

MANILA, Philippines — Dahil sa masamang panahon, sinuspinde ng Palasyo ng Malakanyang ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR) dahil sa bagyong Carina at habagat.

Base sa Memorandum Circular No. 57 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, walang pasok na simula ng 2:00 ng hapon.

Hindi naman kasama sa suspension ang mga tanggapan na ang trabaho ay may kaugnayan sa pagbibigay ng basic services, preparedness/response to disasters and calamities.

Ipinaubaya naman ng Palasyo sa pribadong sektor ang pagpapasya sa pagsuspindi ng trabaho at klase.

Samantala, sinuspinde na rin ng Kamara at Senado ang sesyon nito kahapon.

Show comments