MANILA, Philippines — Bukas si Senador Nancy Binay na makipag-usap at dumaan sa ‘conciliation meeting’ kay Cayetano kung bahagi ito ng bagong alituntunin na maaaring itakda ng Senate Ethics Committee.
Sinampahan ni Binay ng reklamo sa Ethics Committee si Cayetano matapos siyang tawaging “marites” at “buang” sa pagdinig tungkol sa mga gastusin sa New Senate Building.
“If a conciliation meeting is part of the process to officially tackle the ethics case that I filed against Sen Cayetano, then I am willing to submit to the new rules adopted by the Committee. Kung iyon ang kailangan unahin bilang bahagi ng proseso, susunod po tayo,” ani Binay.
Matatandaan na nagtalo sina Binay at Cayetano sa gastos ng New Senate Building.
Ang mainit na debate ay naging dahilan upang mag-walkout si Binay, at pagkaraan ng ilang araw, nagsampa siya ng reklamo laban kay Cayetano.
Sinabi naman ni Cayetano na bukas din siya sa pakikipagkasundo kay Binay, ngunit sinabing dapat magpatuloy ang imbestigasyon.