Mayor Guo nakalusot sa aresto ng Senado

Nagtungo ang Senate security team kasama ang mga pulis sa mga bahay at garment factories sa Valenzuela, Balintawak at Bulacan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para isilbi ang arrest order laban dito, kanyang pamilya at iba pa dahil sa patuloy na ‘di pagsipot sa Senate hearing kaugnay sa illegal POGOs.
Photo/Office of the Senate Sergeant-at-Arms

MANILA, Philippines — Bigo ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na maaresto si suspended Bamban mayor Alice Guo at iba pang indibidwal at tanging ang accountant lang ng mayor na si Nancy Jimenez Gamo ang natagpuan sa kanyang address at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Senado.

Isinilbi ng OSAA ang warrant of arrest laban kay Guo at pitong iba pa na kinabibilangan nina Dennis Lacson Cunanan, Gamo, Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin.

Binigyan ang OSAA  ng 24 na oras upang isilbi ang mga warrant of arrest at ikulong ang walong indibidwal sa opisina nito hanggang sa sila ay humarap at tumestigo sa harap ng komite.

Samantala, inutusan ng komite ang OSAA na ihatid ang inisyu nitong Subpoena Ad Testificandum sa mga sumusunod na indibidwal: Jaimielyn S. Cruz, Roderick Paul B. Pujante, Juan Miguel Alpas, Katherine Cassandra Li Ong, Alberto Rodulfo “Ar” De La Serna, Ronelyn B. Baterna, Michael Bryce B. Mascarenas, Stephanie B. Mascarenas,  Rodrigo A. Bande, Jing Gu, Xiang Tan, Daniel Salcedo, Jr., Chona A. Alejandre, Duanren Wu,Marion Ryan O. Chua, Julian M. Linsangan III,Josefina Mascarenas, at Edwin C. Pinahaharap sila sa Senado sa Lunes, Hulyo 29.

Show comments