Trump binaril sa campaign rally, sugatan

Former US President and Republican presidential candidate Donald Trump speaks during a Buckeye Values PAC Rally in Vandalia, Ohio, on March 16, 2024.
AFP / Kamil Krzaczynski

Shooter, 1 pa patay

MANILA, Philippines — Sugatan si dating United States President ­Donald Trump matapos paulanan ng bala ang kanyang campaign rally sa Butler, Pennsylvania.

Ayon sa ulat, habang nagbibigay ng kanyang talumpati si Trump, ilang putok ng baril ang pinakawalan ng gunman.

Agad inilabas ng entablado si Trump, 78, na tinamaan sa itaas na bahagi ng kanang tainga.

Kinumpirma ng US Secret Service na dalawang tao ang patay - ang gunman at isang audience member - at dalawang manonood ang kritikal na nasugatan.

Kinilala ng FBI ang gunman na si Thomas Matthew Crooks, 20, ng Bethel Park, Pennsylvania. Hindi pa batid ang kanyang motibo.

Ligtas na umano si Trump sa ngayon matapos dalhin sa isang lokal na ospital at umalis na rin pagkaraan ng ilang oras.

Mariin namang kinondena ni US President Joe Biden ang nangyaring pamamaril at sinabing walang puwang sa Amerika ang ganoong karumal-dumal na krimen.

Mariin ding kinondena ng mga Republicans, Democrats at world leaders ang pag-atake sa dating pangulo ng US.

Show comments