La Niña alert itinaas ng PAGASA

Sa inilabas na advisory ng PAGASA alas-5 ng hapon nitong Biyernes, Hulyo 12, tinaya na nasa 70% ang tsansa na mabuo ang La Niña sa August-September-October (ASO) 2024 season.
Freeman photo

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña alert dahil sa paglamig ng temperatura ng tubig sa Pacific Ocean.

Sa inilabas na advisory ng PAGASA alas-5 ng hapon nitong Biyernes, Hulyo 12, tinaya na nasa 70% ang tsansa na mabuo ang La Niña sa August-September-October (ASO) 2024 season.

Malakas din ang tsansa na maaaring magtagal ang La Niña hanggang sa 2025.

Sa La Niña, higit sa normal ang nararanasang pag-ulan na maaaring magresulta sa mga pagbaha o pagguho ng lupa.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at ang mga Disaster Risk Reduction Management Office sa mga probinsya na maghanda at magbantay sa epekto ng pag-ulan sa kanilang mga lugar.

“Most climate models combined with expert judgments suggest a 70% chance of La Niña forming in August-September-October (ASO) 2024 season and is likely to persist until the first quarter of 2025. With this development, the DOST-PAGASA ENSO Alert and Warning System is now raised to La Niña Alert,” nakasaad sa notice ng PAGASA.

Asahan na rin ang mga pagbaha at landslide sa ilang mga lugar na madaling maapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak naman ng PAGASA ang patuloy nilang monitoring sa La Niña phenomenon.

Show comments