First Lady Liza dinalaw nina Bimby at Josh

Base sa Facebook post ni First Lady Marcos, makikitang nakahawak pa ang mga anak ni Kris sa unang ginang.
Liza Marcos/Facebook page

MANILA, Philippines — Dumalaw sa tanggapan ni First Lady Liza Marcos sa Maynila ang mga anak ni Queen of All Media Kris Aquino na sina Joshua at Bimby.

Base sa Facebook post ni First Lady Marcos, makikitang nakahawak pa ang mga anak ni Kris sa unang ginang.

“Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so nice to see you guys after all these years,” ayon pa sa facebook post ng Unang Ginang.

Agad naman na umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang post ng First Lady.

Ilang buwang nanirahan sa Amerika si Bimby para samahan ang inang si Kris na may sakit.

“An epitome of friendship and acceptance,” saad ng isang comment sa Facebook.

“The right time has come. Peace,” saad naman ng isang netizen.

Matatandaang naging magkatunggali sa pulitika ang pamilya Marcos at Aquino.

Show comments