^

Bansa

Pagtataguyod ng karapatan ng mga hayop, pinuri

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang isang barangay chairman sa Maynila at isang Gen Z vlogger mula sa Parañaque sa kanilang pagpoprotekta at pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga hayop.

Sa kanyang programang ‘Morning Chill’ sa DWAN 1206 AM, pinuri ng senador si Roland Gacula, chair ng Barangay 310 sa Maynila para sa grassroots program nito na kinabibilangan ng libreng bakuna laban sa rabies sa mga alagang hayop sa kanyang nasasakupan. Ang Barangay 310 ay matatagpuan sa isang abala at mataong distrito sa Maynila na kinabibilangan ng mga seksyon ng Quezon Boulevard at Recto Avenue, at Manila City Jail.

Napansin din ng senador na malapit ang lugar sa Arranque pet market, na aniya ay lalong nagpapahalaga para sa komunidad na manatiling ‘rabies free’.

Pinuri rin ni Tolentino si Raevin Bonifacio, isang Generation Z vlogger, na mayroong 1.1 milyong followers sa social media at kilala sa online sa kanyang animal rescue videos. Sa ngayon, daan-daang asong ligaw, inabandona, at inaabuso ang nailigtas ni Bonifacio.

Si Tolentino mismo ay isang animal rights advocate. Kamakailan ay binanggit niya ang ideya na ilipat ang Manila Zoo sa kilalang Masungi Georesereve sa Baras, Rizal na aniya ay magbibigay-daan sa mga hayop sa ilalim ng pangangalaga ng zoo na mamuhay sa mas magandang kondisyon o sa kanilang natural na tirahan.

ANIMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with