Presyo ng petrolyo sisipa ulit sa sunod na lingo

MANILA, Philippines — Sisipa pa sa susunod na linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito’y makaraang ianunsyo ng oil players na magtataas sila ng halagang 50 centavos hanggang 80 centavos kada litro sa presyo ng gasolina.

Aabutin naman ng taas na 30 centavos hanggang 60 centavos kada litro sa presyo ng diesel at 20 centavos hanggang 40 centavos kada litro sa kerosene.

Sinasabing ang nagdaang apat na araw na galaw ng presyuhan sa merkado ang ugat ng muling pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ito na ang ikatlong linggong oil price hike. Tuwing Martes ipinatutupad ang price adjustment.

Show comments