MANILA, Philippines — Ibinulgar nitong Miyerkules ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na nagawang makabili ng kabuuang 291 lupain na umaabot sa bilyong halaga na pinatituluhan pa ang pinaghihinalaang Chinese drug lord na si Willie Ong na may negosyong real estate firm sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon at Metro Manila.
Ayon kay Barbers, chairman ng House Dangerous Drugs Committee, si Ong ang may-ari ng Empire 999 Realty Corporation na nakarehistro sa SEC at siya ring may-ari ng ni-raid na bodega sa Mexico, Pampanga kung saan nasa 530 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 bilyon ang naideliver na nitong nakalipas na Setyembre.
Sinabi ni Barbers na si Ong at ang mga kasamahan nitong Chinese na sina Aedi Tai Yang, Jackl Tai Yang, Mischelle Santos Sy, Elaine Chua at iba pa ay nagawang makapagparehbistro ng kanilang firm sa Securities and Exchange Commission na nagpanggap na mga Pilipino gamit ang kaduda-dudang Filipino passport at mga identification card na iniisyu ng gobyerno.
Base sa data ng Land Registration Authority, ang Empire 999 ay nakakuha ng 41 titled land holdings kung saan 59 dito ay kay Ong; 11 kay Aedi Tai Yang, Jack Tai Yang, 15; Mischelle Santos Sy, 53; Elain Chua 92; Albert Valdez Sy, 6; Na Wong, 1; Ana Ong, 5; Cai Quimeng habang ang Chinese name na Willie Ong, 6 at Ja Chinese name ni Willie Ong, 6 at James Valdez, 2.
Sinabi ni Barbers na hihilingin niya sa Department of Justice o saan mang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na sampahan ng ‘adverse claim’ ang nasabing mga real estate properties bago pa man ito maibenta nina Ong at maprotektahan ang kanilang mga buyers.