MANILA, Philippines — Patuloy na nanawagan sa Korte Suprema ang isang transport group na harangin ang pagpapatupad ng kontrobersyal na public utility vehicle modernization program (PUVMP), bagay na magtatanggal sa libu-libong pampasaherong sasakyan sa kalsada.
Una na kasing sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisimulan ang pag-i-impound ng unconsolidated traditional jeepneys sa ika-16 ng Mayo kaugnay ng PUVMP.
Related Stories
Ayon sa huling datos, nasa 10,000 jeepney ang posibleng mawala.
"PISTON continues to urge the Supreme Court to immediately block the public transport modernization program, specifically the DOTr Department Order 2023-022, to prevent significant harm to the transport sector after the '15-day leeway' set by the DOTr expires on May 15," sabi ng PISTON ngayong Martes.
"The DOTr and LTFRB have previously announced that any unconsolidated jeepneys that fail to meet the April 30 deadline will be deemed colorum and impounded starting May 16."
LOOK: Jeepney drivers and operators from transport groups PISTON and Manibela return to the Supreme Court pleading for the issuance of a TRO vs. PUVMP. | @PhilstarNews pic.twitter.com/Q9Tu9Y4ty0
— Ian Patrick Laqui (@IanLaquiPatrick) May 14, 2024
Disyembre 2023 pa naghain ng petisyon sa Supreme Court ang PISTON para sa isang petition for certiorary at injuction laban sa ligalidad ng consolidation deadline, maliban pa sa temporary restraining order sa pagpapatupad nito hanggang sa maresolba.
Matatandaang sinabi ng LTFRB na umabot sa 350,179 jeepney units na ang nakapagpakonsolida papasok ng mga kooperatiba o korporasyon as of April 23 — bagay na nasa 78.33% consolidation rate.
Hinihingi pa ng Philstar.com sa LTFRB ang pinal na consolidation numbers matapos ang April 30 deadline ngunit hindi pa rin ibinibigay hanggang sa ngayon.
Abril lang nang sabihin ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III na huhulihin simula Huwebes ang mga hindi makakapagpakita ng nakapaskil na patunay ng konsolidasyon sa kanilang mga wind shield, bagay na may tatak ng LTFRB.
Ani Guadiz, P50,000 multa ang ipapataw para sa mga papasada pa rin matapos ang leeway na kanilang ibinigay sa mga kolorum. Bukod pa ito sa isang taong suspensyon para sa mga lalabag na tsuper.
"PISTON argues that imposing arbitrary deadlines on the public transport transition jeopardizes the jobs and livelihoods of public transport workers," dagdag pa ng PISTON sa kanilang pahayag.
"The Supreme Court must act swiftly to prevent the Marcos government from exacerbating joblessness in the country. Even if a Temporary Restraining Order (TRO) is approved months or years from now, it will not undo the damage caused by the DOTr and LTFRB's actions in the coming days."
Sa ilalim ng PUVMP, kinakailangan simulan ng mga kooperatiba at korporasyon ang pagtransisyon patungong Euro-4 engines o electric engines. Karaniwan itong umaabot ng hanggang P2.8 milyon kada unit, bagay na masyadong mahal para sa ilang operator.
Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Guadiz na "hindi magdudulot ng krisis" sa transportasyon ang posibleng pagkawala ng 10,000 jeepney sa kalsada sa dahilan meron namang tren, bus, TNVs at motorcycle taxis.
Sa kabila nito, ilang komyuter at mobility advocates ang nananawagan kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na tiyakin ang suplay ng pampublikong transportasyon oras na magtuloy-tuloy ang PUVMP. — may mga ulat mula kay ian Laqui