Lakas-CMD, Partido Federal nagsanib
Paghahanda sa 2025 elections
MANILA, Philippines — Pormal nang pumasok sa isang alyansa ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang paghahanda sa 2025 midterm elections sa bansa.
Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” nina Lakas-CMD president at Speaker Martin Romualdez at Partido Federal ng Pilipinas President Reynaldo Tamayo Jr. sa Manila Polo Club sa Makati City.
Sinabi ni Marcos na layunin ng alyansa ng dalawang grupo na isulong ang transpormasyon sa bansa at magagawa ito kung magtutulungan aniya ang sangay ng ehekutibo at lehislatura.
“We mark today a significant moment not just for Philippine politics, but also for the field of public service, as members of both parties formalize and build an alliance that will propel our country towards the Bagong Pilipinas that we envision,” pahayag ni Marcos.
Isinulong din ni Pangulong Marcos ang pagkakaisa.
Ayon naman kay Speaker Romualdez, nasa 100 miyembro ng Lakas-CMD ang kaalyado na ni Pangulong Marcos.
“It is an alliance between PFP and Lakas-two of the strongest parties. Lakas comes in with 100-strong members of the House and of course PFP comes in with the majority of the local government officials. This is the start of an alliance of two parties,” pahayag ni Romualdez.
Bukas ang alyansa ngayon sa diskusyon sa ibang Partido pulitikal maging sa Hugpong ng Pagbabago ni Vice Pres. Sara Duterte at PDP-Laban at iba pa.
- Latest