^

Bansa

5 Chinese warship, 2 pang barko naispatan sa Sibutu, Batanes

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5 Chinese warship, 2 pang barko naispatan sa Sibutu, Batanes
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, apat na Chinese Navy warship ang namataan ang presensiya sa karagatan ng Sibutu Passage.
Philippine Coast Guard / Facebook

MANILA, Philippines — Limang Chinese warship at dalawa pang barko ang naispatan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) sa Sibutu Passage at Batanes habang isinasagawa ang PH-US Balikatan joint military exercises 2024.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, apat na Chinese Navy warship ang namataan ang presensiya sa karagatan ng Sibutu Passage.

Ang Sibutu Passage ay isang maliit na channel sa pagitan ng Sulu archipelago at Borneo.

Sinabi ni Padilla na namonitor ang presensya ng apat na warship na maituturing namang isang uri ng ‘innocent passage’ sa bahagi ng Sibutu.

Una rito, dalawa ring warship ng China ang namonitor ang presensya sa Palawan noong Mayo 3 ng umaga na nasa bisinidad ng 200 milyang Exlusive Economic Zone (EEZ) ng bansa pero umalis rin ng nasabing araw bandang hapon.

Samantala isa pang Chinese warship at dalawa pang barko ng China ang namonitor naman sa karagatan ng Batanes habang isinasagawa ang bilateral war games ng AFP at US troops.

Nabatid na ang nasabing Chinese warship at dalawa pang mga sasakyang pandagat ng China ay namonitor ang presensya sa karagatan ng Itbayat, Batanes kung saan isinasagawa ang war drill dakong alas-10:45 ng umaga noong Mayo 1.

Idinagdag pa sa report na dahil dito ay nagsagawa ng radio challenge ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga barko ng China sa nasabing teritoryo ng karagatang nasasaklaw ng bansa.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with