^

Bansa

5 baril ni Quiboloy, isinuko na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinuko na kahapon ng umaga ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ founder at leader Pastor Apollo Quiboloy ang 5 sa 19 na kanyang mga armas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ang limang armas ay isinuko sa Regional Civil Security Unit ng PRO 11 Davao City.

Sinabi ni Marbil na inaasahang isusuko na rin anumang oras o araw ang nasa 14 pang mga baril.

Matatandaang inaprubahan ni Marbil ang rekomendasyon ng Firearms and Explosives Office na ipawalang bisa ang license to own and possess firearms ni Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kasong child abuse, sexual assault, trafficking, exploitation and discrimination at nanatiling at large.

Apela ni Marbil kay Quiboloy, huwag nang magmatigas at sumuko na lamang.

Nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang pulisya laban kay Quiboloy kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest.

Apat sa mga co-accused ni Quiboloy ang sumuko na habang naaresto naman ng National Bureau of Investigation si Cresente Canada. Nakapagpiyansa na rin ang mga ito.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with