^

Bansa

School days sa SY 2024-2025, babawasan ng 15 araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na babawasan nila ng 15-araw ang pasok ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa School Year 2024-2025 upang mapabilis ang pagbabalik ng old school ca­lendar sa bansa o yaong Hunyo hanggang Marso na pasukan.

Sa isang public briefing kahapon, kinumpirma ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na nagpasya silang mula sa dating 180 required na bilang ng pasok ay bawasan ito ng 15-araw at gawin na lamang na 165 araw, para sa SY 2024-2025.

Ayon kay Bringas, ang SY 2023-2024 ay nakatakda nang magtapos sa Mayo 31 upang mabigyan ng halos dalawang buwang bakasyon ang mga guro at mga estudyante.

Ang SY 2024-2025 naman ay magbubukas aniya sa Hulyo 29 at magtatapos sa katapusan ng Marso, 2025.

Nangangahulugan ito na pagsapit ng SY 2025-2026 ay maipatutupad nang muli ang old school calendar.

Matatandaang dahil sa pandemic ay napalitan ang old school calendar sa bansa.

Gayunman, bunsod ng matinding init ng panahon na naranasan sa bansa nitong mga buwan ng Abril at Mayo, na nagresulta sa madalas na suspensiyon ng face-to-face classes, ay nabuhay ang panawagang ibalik ang old school calendar para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with