^

Bansa

Polisiya ng PNP sa paghirang ng hepe sa local level pinasisilip sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan sa Kamara ang hinggil sa polisiya ng Philippine National Police (PNP) sa paghirang ng hepe sa mga siyudad at munisipalidad partikular na sa kanilang lungsod.

Sa kaniyang privilege speech noong Lunes sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni San Pedro City (Laguna) 1st District Rep. Ann Matibag na natatakot siya hindi lamang para sa kaniyang pamilya kundi sa bawat mamamayan ng kanilang lungsod hinggil sa pagtatalaga ng mga hepe at hindi makatwirang aksiyon sa direktiba sa puwersa ng pulisya sa San Pedro City.

Tinukoy ng lady solon ang pag-reprimand sa isang opisyal sa pagtulong sa kaniya sa isang mataong lugar, sobrang paggamit ng puwersa sa mga pag-aresto at iregularidad sa paggamit ng police resources para sa personal na seguridad at panghihimasok sa pulitika.

“These incidents paint a disturbing picture of a force seemingly beholden to the whims of a few, jeopardizing the safety and security of the very community it’s sworn to protect,” saad ni Matibag na pinuna ang kasalukuyang proseso sa pagpili ng mga hepe ng pulisya na base aniya sa rekomendasyon ng mga lokal na opisyal.

Kasabay nito, sinabi ng Kongresista na dapat irebisa ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998 upang tiyakin ang isang independent at may meritong proseso ng paghirang sa mga itatalagang hepe.

“Sa gitna ng takot at pangamba, narito ako, ang inyong LaguNanay at Kinatawan sa Kongreso, upang tiyakin na ligtas at mapayapa ang atingbayan. Ipaglalaban ko ang ating karapatan para sa patas na proteksyonat seguridad para sa lahat at hindi lamang para sa iilan,” giit ni Matibag.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with