Batas malalabag kung Miru magbibilang ng boto sa 2025 elections – Marcoleta

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na malalabag ang batas kung pahihintulutan ng Comelec ang kontrobersyal na South Korean firm MIru Systems Co. Ltd. na mangolekta, magbilang ng boto kaugnay ng gaganaping 2025 midterm elections sa bansa.

Kasabay nito, hinikayat ni Marcoleta ang mga kap­wa nito mambabatas sa ilalim ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na ipagpatuloy ang imbestigasyon hinggil sa umano’y irregularidad sa P18 bilyong automated vote counting contract na pinasok ng Comelec sa Miru.

Partikular na tinukoy ni Marcoleta, isang abogado, ang paglabag sa Republic Act (RA) No. 9369 o ang Automated Election Law kung papayagan ng Comelec na ituloy pa rin ng Miru ang paggamit sa ‘two -systems -in-one“ para mangolekta at magbilang ng boto sa midterm elections sa May 2025.

Tinukoy din ni Marcoleta ang pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa resolusyon ng Comelec na nagdi-diskuwalipika sa Smartmatic na magsagawa ng bidding para sa automated election supplier.

Ang Smartmatic ang automated machines and services provider sa mga nagdaang halalan sa bansa pagitan ng 2010 at 2022.

“Smartmatic was disqualified even before it was able to submit its bid; even the legal requirements were not considered. So there’s a violation” on the part of the Comelec”, punto ni Marcoleta.

Iginiit niya na mara­ming kontrobersyang kinasangkutan sa palpak na election ang Miru kabilang ang automated elections sa Democratic Republic of Congo, Iraq at iba pang mga bansa.

Show comments