MANILA, Philippines — Patuloy sa pagtulin ang inflation rate nitong Abril 2024 primarya dahil sa mas mataas na "year-on-year increase" sa presyo ng heavily-weighted food at 'di nakalalasing na inumin, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Umabot na kasi sa 3.8% ang headline inflation para sa naturang buwan, mas mataas kaysa sa 3.7% noong Marso.
Related Stories
"This brings the national average inflation from January to April 2024 to 3.4 percent. In April 2023, inflation rate was higher at 6.6 percent," wika ng PSA ngayong Martes.
"The uptrend in the overall inflation in April 2024 was primarily influenced by the higher year-on-year increase in the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 6.0 percent during the month from 5.6 percent in March 2024."
Gaya noong nakaraang buwan, naimpluwensahan ng mas mataas na inflation ang sumusunod:
- transport index sa 2.6% (mula sa 2.1% noong Marso)
- information at communication sa 0.5% (mula sa 0.4% noong Marso)
Sa kabila nito, maas mababang inflation rates ang naitala sa sumusunod:
- alcoholic beverages and tobacco, 4.9% (mula sa 6.7%)
- housing, water, electricity, gas and other fuels, 0.4% (mula sa 0.5%) furnishings, household equipment and routine household maintenance, 3.1% (mula sa 3.2%)
- health, 3.0% (mula sa 3.2%)
- recreation, sport and culture, 3.8% (mula sa 3.9%)
- restaurants and accommodation services, 5.4% (mula sa 5.6%)
- personal care, and miscellaneous goods and services, 3.5% (mula sa 3.6%)
"Food inflation at the national level rose to 6.3 percent in April 2024 from 5.7 percent in March 2024. In April 2023, food inflation was higher at 8.0 percent," dagdag pa ng PSA.
"The acceleration of food inflation in April 2024 was mainly brought about by the year-on-year increase in the vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses index at 4.3 percent in April 2024 from 2.5 percent annual decline in the previous month."
Sinusukat ng inflation rate ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa isang takdang panahon.
Pasok sa inflation target, pero...
Ang 3.8% noong Abril ay pasok sa 3.5% hanggang 4.3% na inflation target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Una nang tinaya ng BSP na maaapektuhan ng mas mahal na presyo ng bigas, karne, gasolina at mas mababang palitan ng piso sa dolyar ang inflation.
Bagama't pasok sa target ng pamahalaan, halos kalahati lang ng minimum wage sa Metro Manila (ang pinakamataas sa buong Pilipinas) ang P1,207/araw na "average family living wage," o 'yung halaga ng kita na kailangan sa isang araw para magkaroon ng disenteng pamumuhay ang pamilyang may limang miyembro.
Ayon sa IBON Foundation, P663/araw na wage hike na kinakailangang ipatupad ng gobyerno para maisara ang kakulangang ito sa sahod.
Ilang araw pa lang nang ipa-rebyu ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang minimum wage rates sa Pilipinas sa layuning maa-adjust ito pataas.
Gayunpaman, sinabi ng mga progresibong grupong mas magandang sertipikahan bilang "urgent" ang mga panukalang batas na layong magtaas ng sahod "across the board, nationwide."