Kaltas benepisyo sa pulis, itinanggi ng PNP
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil ang mga lumutang na isyu na mababawasan ang benepisyo ng mga pulis.
Sa flag raising ceremony kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Marbil na walang katotohanan na babawasan ang rice subsidy ng mga pulis gayundin ang Combat Incentive Pay (CIP) at Combat Duty Pay (CDP).
“Alam niyo po marami tayong naririnig na mga fake news about babawasan yung rice subsidy niyo, yung iba ibang mga bagay, babawasan yung CIP, CDP. I just want to say there is a difference between a wise man and a fool. A wise man talk because he has something to say. A fool talk because he has to say something. Dito po yung iba mga fool they come up with so much stories na it destroys the organization. Hindi yan ang tama, hindi po yan ang gusto natin,” ani Marbil.
Paliwanag ni Marbil, mayroong mga gumagawa nang kwento para manira ng kanilang organisasyon. Hindi umano siya natutuwa sa ganitong uri ng fake news dahil nakakagulo ito at nagreresulta sa pag-iisip ng masama ng mga pulis.
- Latest