^

Bansa

Desisyon ni Pangulong Marcos na ‘wag gantihan ng water cannon ang mga China vessels, kinatigan sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng ilang senador ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag gantihan at huwag bombahin ng water cannon ang mga barko ng China.

Ayon kay Senator Jinggoy Estrada, nakikiisa siya sa desisyon ng Pangulo na umiwas sa paggamit ng water cannon o anumang opensibang armas laban sa patuloy na agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Sa halip aniya ay dapat manatiling matatag ang Pilipinas sa pangangalaga ng mga karapatan sa maritime at soberanya sa pamamagitan ng diskarteng nakabatay sa “rule-based approach”.

Sinabi rin ni Estrada na dapat ituon ng gobyerno ang mga pagsisikap sa pagtiyak ng proteksyon sa territorial at maritime interests ng bansa sa pamamagitan nang pagsunod sa prinsipyo ng “rule of law.”

Sa halip aniya na gumamit ng mga hakbang sa paghihiganti, dapat igiit ng gobyerno ang ating mga karapatan sa pamamagitan ng diplomatikong paraan at patuloy na maghain ng mga diplomatikong protesta upang tugunan ang pananalakay ng China sa loob ng teritoryo ng bansa.

“Ang posisyong kinuha ng Pangulo ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa pagtataguyod ng katatagan, diplomasya, at pangmatagalang interes ng ating bansa. Sama-sama tayong manindigan sa pagsuporta sa prinsipyo ng ating pamahalaan,” dagdag ni Estrada.

Naniniwala naman si Senator Francis Tolentino na “pragmatic” at responsableng desisyon ang ginawa ng Pangulo kung saan isinaalang-alang ang kasalukuyang mataas na “moral ground” ng Pilipinas.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with