^

Bansa

Pangulong Marcos bet tumikim ng pares, balut paboritong street food

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos bet tumikim ng pares, balut paboritong street food
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. addresses the troops during his visit to the headquarters of the 6th Infantry Division, Camp Brigadier General Gonzalo H. Siongco at the Municipality of Datu Odin Sinsuat in Maguindanao on April 29, 2024.
Pool photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines —  Interesado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na matikman ang mga paresan sa Metro Manila na dinarayo ng mga netizen matapos mapanood ang viral video ng mga ito sa social media platforms.

Ayon sa Pangulo, sa mga “foodie” na katulad niya, hindi nakakalampas ang mga viral ngayon na paresan kung saan ipinakita sa video ang paresan ni Diwata.

“Sa mga foodie na kagaya ko…may nagvi-viral ngayon ang mga paresan. Mukhang masasarap. Tingnan nga natin at ng masubukan natin,” pahayag ng Pa­ngulo sa kanyang lingguhang vlog kung saan pagkaing Pilipino ang tinalakay nito para sa linggong ito.

Binanggit din ni Marcos na ang paborito niyang street food ay balut at mahilig siyang kumain ng prutas.

Kadalasan anyang nakikita sa social media ang mga “reaction videos” ng mga foreigners mula sa iba’t ibang bansa na kumakain ng iba’t ibang pagkaing Pinoy katulad ng tsitserya, ulam, meryenda at desserts.

“Talagang maipagmamalaki natin sa buong mundo ang mga pagkain natin dahil iba talaga ang flavor ng Filipino cuisine, ani Marcos.

Sa online site na Taste Atlas, ang Pilipinas ay kabilang na sa iba’t ibang listahan na top 100.

Kabilang din ang Makati sa “best food city and region in the world.”

Pang number 97 naman aniya ang sinigang sa best dishes.

“Number 93 ang ­lumpiang shanghai sa best street food at number 33 ang Pinoy cooking sa Best Cuisine in the World,” ani Marcos.

Idinagdag ng Pangulo na sa tingin niya ay marami pang masasarap na pagkaing Filipino ang hindi pa sumisikat.

Magdadala aniya ng turista ang pagkain na tinatawag na “gastronomic tourism.”

Ang pagkain aniya ay hindi lamang nakakabusog sa tiyan kundi maging sa kaluluwa.

vuukle comment

MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with