^

Bansa

7 patay sa matinding init, 77 nagkasakit - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
7 patay sa matinding init, 77 nagkasakit - DOH
Pedestrians use different things, such as jackets, umbrellas, and small electric fans, to cope with the intense heat while crossing the street in Cubao, Quezon City on April 25, 2024.
STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa 77 ang kabuuang kaso ng heat-related illness habang pito ang nasawi na naitala mula Enero 1 hanggang Abril 29, iniulat ng Department of Health (DOH) kahapon.

Tinukoy ng DOH Event-based Surveillance and Response System ang isang demographic vulne­rability, na may 67 kaso na nakakaapekto sa mga indibidwal sa pagitan ng edad 12-21 taong gulang.

Gayunpaman, dahil sa hindi sapat na datos, ang mga nasawi na ito ay kasalukuyang may label na non-conclusive para sa heat stroke, ayon sa DOH.

Kumplikado ang mga naturang kaso, kung saan maaring maiugnay ang mga pagkamatay sa matinding init ng panahon, kabilang ang heat stroke, o iba pang mga kadahilanan na bunsod ng init tulad ng pagtaas ng blood pressure na nauuwi sa atake sa puso.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na manatiling hydrated at magpakonsulta kung nakakaranas ng mga sintomas ng mga sakit na nauugnay sa init.

Sa nakaraang advisory, naitala ang 34 heat-related illnesses mula Enero 1 hanggang Abril 18, mula sa Central Visayas, Ilocos Region, at  Soccsksargen.Anim dito ang naitalang namatay bagamat patuloy pa ang berebikasyon sa tunay na sanhi nito.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with