^

Bansa

Rainwater harvesting facilities, pinagkaloob ng Maynilad sa mga komunidad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mayroon nang alternatibong pagkukunan ng tubig ang mga tao sa bawat komunidad.

Ito ay makaraang magkaloob ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng rainwater harvesting facilities sa ibat ibang local government units upang makapag-imbak ang mga komunidad ng tubig mula sa tubig ulan bilang alternatibong pagkukunan ng tubig na maaaring gamitin sa mga non-domestic use tulad ng pagdidilig ng mga halaman at kailangang tubig sa CR.

Nagkaloob ang Maynilad ng higit 6 units ng 1,500-liter-capacity rainwater harvesting facilities sa mga lungsod ng Malabon, Manila, at Pasay sa Metro Manila; Bacoor sa lalawigan ng Cavite, at sa bayan ng Teresa at Morong sa lalawigan ng Rizal.

Ang donasyong pasilidad ay bahagi ng kampanya ng Maynilad na maibsan ang matinding epekto ng El Niño.

“This is a sustainable solution during times of increased water demand. By harnessing rainwater, we are not just conserving resources but ensuring communities have access to water, even du­ring challenging seasons like El Niño,” pahayag ni Maynilad Chief Opera­ting Officer Randolph T. Estrellado.

Upang higit na mapakinabangan ang mga nakolektang tubig, naglagay din ang Maynilad ng vertical garden frames sa may rainwater harvesting facilities upang ang mga komunidad ay matulu­ngang makapagpadami dito ng mga tanim na gulay.

Ang Maynilad ay nagsasagawa ng workshops upang mabigyan ng kaalaman ang mga komunidad tungkol sa urban gardening.

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with