LGUs inihahanda na vs lindol – OCD

Ayon kay OCD Admi­nistrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, nasa 17 regional offices ng OCD ang magtutungo sa mga LGUs upang ipaliwanag ang kahalagahan ng engineering solutions at pagbabawal sa pagpapatayo ng mga bahay sa ‘no build zone’.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sisimulan na ngayong linggo ng Office of Civil Defense ang pakikipag-ugna­yan at pagkikipagpulong sa mga local government units upang paghandaan ang malakas na lindol gamit ang “engineering solutions”.

Ayon kay OCD Admi­nistrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, nasa 17 regional offices ng OCD ang magtutungo sa mga LGUs upang ipaliwanag ang kahalagahan ng engineering solutions at pagbabawal sa pagpapatayo ng mga bahay sa ‘no build zone’.

Ani Nepomuceno, ipali­liwanag nila ang ‘strict com­pliance’ sa mga probisyon ng Structural Code of the Philippines na makatutulong ng malaki upang mas ma­ging ligtas laban sa lindol. Mas kailangan ang preventive approach sa mga ganitong uri ng sitwasyon.

“Strict compliance means respecting the safety provisions of the Structural Code of the Philippines and prohibition of construction of houses in NO BUILD zones,” Nepomuceno added. “We are more on the preventive approach than sorry later to save thousands of lives,” sabi ni Nepomuceno.

Bagamat makatutulong din ang isinasagawang “Duck, Cover, and Hold” drills, mas dapat na pagbatayan, sundin at ipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng engineering solutions na alinsunod sa National Building Code.

Base sa scientific research, kabilang ang 2014 JICA at Phivolcs Study, nasa 30,000-50,000 casualties na may mahigit 100,000 seriously injured ang maaaring magresulta kung ang West Valley Fault System ay magdudulot ng 7.2 magnitude earthquake sa Metro Manila Area.

Show comments