Paglalakad, pagbibisikleta isinusulong ng DOTr

Bikers plying the EDSA southbound bike lane in Quezon City navigate through passing motorcycles and cars on April 24, 2024.
STAR/ Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin umanong isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang mga non-motorized transport (NMT), gaya ng pagbibisikleta at paglalakad, gayundin ang paggamit ng light electric vehicles (LEVs), bilang sustainable modes of transport sa bansa.

Ito’y alinsunod umano sa National Transport Policy (NTP) at Philippine Development Plan 2023-2028 (PDP).

Ayon sa DOTr, kasabay nang paghanap nila ng solusyon sa problema sa trapiko, magtatalaga sila at nagre-reclaim ng mga road space upang mabigyan ng ligtas na imprastraktura para makapagbigay ng mas episyente at sustainable modes of transport sa publiko, gaya ng bike lanes at walkways.

“Under the initiatives of the NTP and PDP, pedestrians and non-motorized vehicles are being accorded the highest prio­rity in the hierarchy of road users, and mandates ­government to prioritize the development of active transport infrastructure,” anang DOTr.

Dagdag pa ng DOTr, inaasahan nilang magkakaroon ng higit pang momentum ang programa matapos na ianunsiyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na dapat na gawing prayoridad ng national government ang active transport facilities upang isulong ang mas malusog at mas sustainable na pamamaraan nang pagbiyahe.

Show comments